Home NATIONWIDE Pulis na humarang sa bumbero, pinatawag ng LTO

Pulis na humarang sa bumbero, pinatawag ng LTO

242
0

MANILA, Philippines – Inisyuhan ng show cause order (SCO) ang isang pulis matapos maging viral ang video na hinaharang niya ang daraang fire truck.

Ayon sa Land Transportation Office (LTO), inutos ni LTO Chief Assistant Secretary Markus Lacanilao na maglabas ng SCO laban sa may-ari at drayber ng sasakyan.

Nakita rin sa viral footage na ang drayber ay gumamit ng hindi angkop na pananalita laban sa driver ng fire truck.

Hiniling ng LTO na humarap ang drayber at may-ari ng sasakyan sa opisina ng LTO sa Enero 29 upang ipaliwanag kung bakit hindi sila dapat kasuhan ng Obstruction at pagkansela ng lisensya bilang “Improper Person to Operate a Motor Vehicle.”

Pansamantala ring nasuspinde ang lisensya ng drayber sa loob ng 90 araw, at inilagay sa alarma ang sasakyan.

Binigyang-diin ng LTO ang kahalagahan ng hindi pagharang sa mga emergency vehicles, na kritikal sa pagprotekta sa buhay at ari-arian ng publiko.

“Ang mga fire truck at iba pang emergency response na sasakyan ay may kritikal na tungkulin… Ang pagharang sa kanilang daanan at paggawa ng hindi angkop na pag-uugali ay hindi lamang labag sa batas kundi labag din sa mga prinsipyo ng pagiging responsableng mamamayan at public servant,” ani Lacanilao. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here