Home NATIONWIDE Basura palit bigas bill inihain sa Kamara

Basura palit bigas bill inihain sa Kamara

167
0

MANILA, Philippines – Inihain ni Pampanga Rep Carmelo Lazatin ang House Bill 7781 na nagsusulong na gawin nang “nationwide” ang programang basura kapalit ng bigas.

Layon ng “Walang Plastikan, Palit Bigas Act” ni Lazatin na magkaroon na ng seryosong tugon sa problema sa basura lalo na sa mga plastic na bumabara sa mga daluyan ng tubig kaya nagkakaroon ng mabilis na pagbaha tuwing may pag-uulan.

Ayon kay Lazatin sa ipinalabas na “What A Waste Global Database” ng World Bank noong 2025 ay umabot sa 11.2 billion tonelada ng solid waste ang nakokolekta sa buong mundo, sa Pilipinas ay nasa 14.6 million tonelada ng municipal solid waste ang nakolekta noong nakaarang taon.

Iginiit ni Lazatin na dapat palakasin ang Republic Act (RA) No. 9003 o Ecological Solid Waste Management Act.

Ang bigas palit basura ay hindi bagong programa, mayroong mga Local Government Units ang matagal na itong ginagawa kabilang na sa Angeles City, Pampanga; Magallanes, Cavite; San Jacinto, Masbate; Barangay Dalupaon, Pasacao, Camarines Sur; Pagbilao, Quezon; Tarlac at Bolinao, Pangasinan.

Ani Lazatin, epektibo ang programa kaya naman inihain nya ang panukala upang hindi lamang sa piling lugar ito ipinatutupad kundi sa buong bansa.

Inihalimbawa nito Angeles City na nakakolekta ng 1,693,213 kilo ng plastic waste noong 2022; 932,863 kilo sa unang tatlong buwan ng 2024 o kabuuang 2,925,631 kilo sa loob lamang 15 buwan.

“The collected waste was segregated, collected and converted to plastic bricks, thereby reducing disposal volumes and costs,” ani Lazatin.

Hindi naman nakapaloob sa panukala kung ilang kilo ng bigas ang ibibigay sa bawat kilo ng plastic na ipapalit. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here