MANILA, Philippines – Para kay Manila Rep Bienvenido Abante, mali si Iloilo Rep Lorenz Defensor nang sabihin nitong hindi uusad ang impeachment case ni Vice President Sara Duterte.
Giit ng mambabatas, may sapat na numero ang Kamara para matuloy sa trial ang isinampang impeachment case.
“More than enough number,” pahayag ni Abante.
Sa unang pahayag sinabi ni Defensor na ang nakikita nyang scenario ay hindi lalagpas sa House Justice Committee panel at agad nang mababura ang apat na impeachment complaint na inihain laban kay Duterte.
Ang batayan ni Defensor ay ang hindi natuloy na impeachment laban kay Duterte noong nakaraang taon, nag mataas na rating pa rin ng Bise Presidente at ang deklarasyon na tatakbbo sa 2028 election.
Ngunit kinontra ito ni Abante, aniya, nasa 1/3 lamang ng bilang ng mga mambabatas ang kailangan para umusad ang impeachment o nasa 105 na mambabatas.
“The magic number is 105, math is straightforward and within reach,” paliwanag ni Abante kung saan inihalimbawa nito ang “overwhelming vote” sa Kamara sa impeachment noong nakaraang taon.
“So, iniisip ko, in the first impeachment complaint, more than 200 congressmen signed the 1st impeachment complaint. So, I don’t think mahihirapan ito na maka abot. So, palagay ko we are in a proper position at this point in time,” ani Abante. Gail Mendoza