Home OPINION BASURANG PULITIKA’ NI HONEY

BASURANG PULITIKA’ NI HONEY

HINDI naging maganda ang paglisan ni Honey Lacuna-Pangan bilang alkalde ng Lungsod ng Maynila.

Nagagalit sa kanya ang mayorya ng Manilenyo dahil sa hindi magandang pagtatapos ng kanyang termino.

Imbes na magandang legasiya — kabi-kabilang tambak na basura sa lansangan ng lungsod ang kanyang iniwan.

Nilisan ni Lacuna na dugyot na dugyot at napakabantot ang Maynila.

Bukod sa basura, lubog pa sa utang na P950 milyon ang Manila City Hall.

Kanya pala marungis at bumantot ang Maynila sa mga huling araw ni Honey sa City Hall ay minalatuba niya ang mga kompanyang dapat sana’y naghahakot ng basura.

Ganito ang nangyayari kapag “basurang pulitika” ang ipinaiiral ng isang lingkod-bayan.

Sa simula pa lang ng termino ay hindi na maayos ang pamamalakad ni Lacuna-Pangan sa Maynila. Mahina ang kanyang pamamahala, parang walang gobyernong umiiral.

Naging madilim, magulo, malungkot at mabantot. Ang trapik ay naging masalimuot.

Inabandona niya ang magandang nasimulang pamumuno noon ni Isko Moreno na ginawang malinis at kaaya-aya ang Maynila.

Mabuti na lang at hindi siya ang nagwagi bilang re-eleksyonista noong nakalipas na halalan. Wala talagang mangyayari kung patuloy siyang mauupo.

Naging kawawa at kahiya-hiya lang ang Maynila dahil kay Honey. Nagmistulang isang malaking basurahan dahil sa “basura niyang pamumulitika”.

Maraming salamat sa pagbabalik ni Yorme Isko. Siya na lang ang sumalo ng mga problema. Ipinalinis niya ang mga basurang iniwan ni Lacuna sa mga kalsada.

Sunod na lilinisin ang mga kalat at basurang nilalang sa City Hall. Magtuloy-tuloy na sana ang kaayusan sa lungsod.

Pero huwag lang dito matapos. Dapat ay makasuhan din ang mga nagnakaw na, nagpabaya pa sa dahil sa kanilang kadugyutan at kawalanghiyaan.