Inaasahang matatapos sa 2030 ang Bataan-Cavite bridge na magiging pinakamahabang tulay sa bansa, ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) chief Manuel Bonoan.
Sinabi ni Bonoan na ang proyekto ay isa rin sa pinakamahabang bay bridge sa mundo dahil ito ay sumasaklaw ng 32 kilometro.
Ang tulay ay mas mahaba kaysa sa 8.9 kilometrong Cebu-Cordova Bridge at sa 2.1 kilometrong San Juanico Bridge.
Sinabi ni Bonoan sa pagdinig sa Senado tungkol sa proyekto ng DPWH nang tanungin ng kanyang pinalitan at ngayon ay senator Mark Villar na ipinaalam lamang sa kanya na ang timeframe para sa pagkumpleto sa pangunahing bridge project at maaring sa 2030.
Ang proyektong tulay ay nagsisimula sa Barangay Alas-asin sa Mariveles, Bataan, tumatawid sa Manila Bay, at nagtatapos sa Barangay Timalan sa Naic, Cavite.
Ang proyektong ito ay idinisenyo upang bawasan ang oras ng paglalakbay sa pagitan ng mga lalawigan sa 45 minuto mula sa 5.5 na oras.
Sinabi ng DPWH na natapos na ang detalyadong disenyo ng engineering para sa tulay, ngunit hindi pa nagsisimula ang konstruksyon.
Ang proyekto ay pinondohan ng Asian Development Bank na may co-financing mula sa Asian Infrastructure Investment Bank.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)