Home HOME BANNER STORY Batang babae ginahasa, pinatay ng lasing na sekyu

Batang babae ginahasa, pinatay ng lasing na sekyu

MANILA, Philippines – Ginahasa at pinatay ng isang lasing na security guard ang pitong taong gulang na batang babae sa Butuan City nitong Sabado, Marso 15.

Ayon sa pulisya, bigla na lamang pumasok sa bahay ng biktima ang suspek at ginahasa ito.

Mag-isa lamang ang bata nang mangyari ang krimen kung saan napatay ito sa paulit-ulit na suntok ng suspek.

Itinapon naman ng suspek ang katawan ng biktima sa isang butas.

Napansin na lamang ng pamilya ng bata na nawawala ito at ipinaalam sa mga kapitbahay.

Sa paghahanap ng mga kapitbahay ay nakita ang katawan ng biktima na wala nang buhay.

Inaresto ng mga awtoridad ang suspek matapos na matukoy na ito ang huling kasama ng biktima.

Inamin naman nito na nagawa ang krimen at sinabing nakainom siya matapos na iwanan ito ng live-in partner.

Nanawagan naman ng hustisya ang mga kaanak ng biktima.

Nahaharap sa kasong rape at murder ang suspek. RNT/JGC