Home NATIONWIDE BI employees mahaharap sa reklamong kriminal sa tumakas na puganteng Koreano

BI employees mahaharap sa reklamong kriminal sa tumakas na puganteng Koreano

103
0

MANILA, Philippines – Itinurn-over na ng Bureau of Immigration sa Department of Justice ang kaso ng puganteng South Korean na si Na Ikhyeon na tumakas sa kustodiya ng BI dahil sa tulong umano ng mga empleyado mismo ng ahensya.

Si Na, na wanted sa fraud sa South Korea, ay kalaunang naaresto kasama si Kang Changbeom sa residential area sa Barangay Pampang sa Angeles City, Pampanga.

Tinanggal naman sa pwesto ang tatlong Immigration employees na tumulong umano sa pagtakas ni Na.

Nahaharap ang mga ito sa kasong administratibo at criminal charges.

“Kung titignan po natin talagang nakakagimbal ang pangyayari pero basically ganoon talaga at nagkaroon ng masusing pag-iimbestiga,” pagbabahagi ni Immigration deputy spokesperson Melvin Mabulac sa panayam ng Teleradyo Serbisyo nitong Sabado, Marso 15.

Ani Mabulac, depensa ng mga tiwaling empleyado ng Immigration na ang Koreano ang tumakas sa kanilang kustodiya.

“Hindi naman tayo basta basta maniniwala agad kung anong sinabi nila. Nagconduct tayo ng tracking investigation sa CCTV at nakita nating talagang hindi naman nakatakas at nakitang pinatakas nila,” anang opisyal.

“Kasabay nilang umalis mula sa opisina ng prosecutor tapos pag alis wala pang handcuffs ang kanyang mga kamay. At nakita natin yung pagsakay ng ibang van na ginawang getaway car niya.”

May mga kumakalat na ulat na sangkot ang P30 milyong suhol para makatakas si Na.

“Hindi pa natin alam kung magkano talaga ano, kasi hindi tayo basta naniniwala kung walang nangyaring monetary consideration. Isa yan sa inendorse natin sa DOJ,” sinabi ni Mabulac.

“Matibay po ang pinaghahawakang ebidensya di lang para sa administrative case pati na criminal case,” dagdag pa niya, sabay-sabing, “Importante ito sa imahen ng ating bureau at the same time tuloy tuloy na paglilinis sa ating opisina.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here