NAGULAT ang lahat nang pataubin ng Manila Batang Quiapo ang Pasig, 92-89, sa MPBL Season 2025 sa Quezon Convention Center.
Pinangunahan ng mga bagong recruits na sina Joe Gomez De Liano, Alfred Sedillo, at Alexis Himan ang huling yugto upang kunin ang ikalawang panalo ng Batang Quiapo.
Umiskor ng 20 puntos si De Liano habang si Sedillo ay nagdagdag ng 18 puntos, pito rito sa fourth quarter.
Si Himan naman ay nagpakitang-gilas sa all-around performance na may 14 rebounds, 12 assists, at tatlong steals.
Sa kabila ng 40-point explosion ni Chito Jaime para sa Pasig, hindi ito naging sapat upang maiwasan ang kanilang ikatlong sunod na pagkatalo.
Bumagsak ang kartada ng Pasig sa 8-8 habang naghahanda naman ang MPBL sa mga susunod na laban sa Alonte Sports Arena. GP