Home SPORTS Creamline taob sa HD SpikersSPORTSSPORTS BANNER STORYTOP STORIES Creamline taob sa HD SpikersJuly 2, 2025 16:25 FacebookTwitterPinterestWhatsApp SA wakas ay nalasap na muli ng Cignal HD Spikers ang panalo kontra Creamline matapos ang tatlong taon at walong sunod na pagkatalo.Tinambakan ng Cignal ang 10-time PVL champion sa straight sets, 25-22, 25-18, 28-26, sa Playtime Cares Filoil Centre nitong Martes.Nanguna sa opensa si Erika Santos na may 18 puntos, habang si Ishie Lalongisip ay may 15 puntos kabilang ang back-to-back hits sa endgame.Matikas din ang performance ni Gel Cayuna sa playmaking na may 22 excellent sets at limang puntos.Ayon kay Coach Shaq Delos Santos, “Sobrang proud kami sa team. Hindi namin in-expect na ma-straight sets ang Creamline.”Ang panalong ito ay nagbigay sa Cignal ng 3-0 record sa Pool B at itinuturing na motivasyon upang mas mapaganda pa ang kanilang kampanya. GP/JC