Home NATIONWIDE Batas sa enterprise-based training tinintahan ni PBBM

Batas sa enterprise-based training tinintahan ni PBBM

MANILA, Philippines – TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Enterprise-Based Education and Training (EBET) Framework, araw ng Huwebes, Nobyembre 7, sa Palasyo ng Malakanyang.

Itinuturing na isang pangunahing batas ng administrasyong Marcos, ang Republic Act No. 12063 ay alinsunod sa pagsisikap ng pamahalaan na palakasin, i-rationalize at pagsama-samahin ang iba’t ibang enterprise-based training modalities sa isang framework o balangkas.

Layon nito na tugunan ang job-skills mismatch, bigyang-diin ang pagtutulungan sa hanay ng mga stakeholders, at kilalanin ang ‘indispensable role’ o mahalagang papel ng pribadong sektor sa pagsusulong ng technical-vocational education at enterprise-based training programs o iyong mga ipinatupad sa pakikipagtuwang sa mga kompanya. Kris Jose