Home NATIONWIDE Bato utak ng Senate reso na nagbabasura sa impeachment ni VP Sara

Bato utak ng Senate reso na nagbabasura sa impeachment ni VP Sara

168
0

MANILA, Philippines – Inamin ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na siya ang nagpasimula ng resolusyon sa Senado para ibasura ang kaso ng impeachment laban kay VP Sara Duterte.

Ayon kay Dela Rosa, ang draft ay galing sa kanyang opisina at kasalukuyan siyang kumokonsulta sa mga kasamahan upang makabuo ng resolusyong may sapat na suporta.

Bagama’t wala pang opisyal na resolusyong naihahain, sinabi ni Dela Rosa na may ilang draft na umiikot, kabilang ang kanya na umano’y orihinal. Target nilang maisumite ito sa susunod na linggo.

“‘Yung ibang mga kasamahan namin may ibang draft, so siguro i-incorporate ‘yun kung anumang magaganda provision sa kanilang draft para mapaganda ‘yung final version at magiging acceptable sa lahat—’yung pwedeng makuha suporta ng lahat, ng karamihan,” paliwanag pa ni Dela Rosa.

Samantala, itinanggi ni Senate President Chiz Escudero na may resolusyong naihain na, pero kinumpirma nina Senators Imee Marcos at Jinggoy Estrada ang pagkakaroon ng draft. Nilinaw rin ni Dela Rosa na walang kinalaman si VP Duterte sa hakbangin.

Na-impeach si Duterte noong Pebrero sa botong suportado ng mahigit 200 mambabatas. Kasama sa mga paratang ang betrayal of public trust, graft, at iba pang mabibigat na krimen.

Inilipat sa Hunyo 11 ang pagbasa ng Articles of Impeachment upang bigyang-daan ang mga prayoridad ng lehislatura bago mag-adjourn ang ika-19 na Kongreso sa Hunyo 14. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here