Home OPINION BINTANG NA ‘SEXUAL ABUSE’ VS. KPL, DAPAT IMBESTIGAHAN

BINTANG NA ‘SEXUAL ABUSE’ VS. KPL, DAPAT IMBESTIGAHAN

205
0

MARAMI ang nagulat sa ‘Facebook post’ nitong si ‘Maria ‘Kara’ simula noong isang linggo hinggil sa umano’y dinanas niyang tatlong beses na insidente ng ‘sexual abuse’ sa kamay ng mga lider ng Kabataan Partylist.

Dahil dati rin tayong aktibista, alam natin na ang KPL (translation: Kabataang Makabayan, KM) ay isa lang sa mga prenteng organisasyon ng Communnist Party of the Philippines-New People’s Army- National Democratic Front of the Philippines sa Kongreso.

Sa nakaraang halalan, hindi na nalinlang ang mga Pinoy kaya maliban sa KPL na nakakuha ng isang “silya,” ibinasura nila ang iba pang CPP patylist groups, tulad ng Gabriela, Bayan Muna, ACT, etc.

Sa mga ibinisto naman ni Maria Kara, ano ang gagawin dito ng Commission on Elections at liderato ng House of Representatives?

Papayagan ba nilang “makaupo” pa rin sa Kongreso itong KPL/KM? Bukod sa ‘recruiter’ umano ng New People’s Army, lumalabas pa ngayon na pinamumunuan ng ‘sexual predators?’

Hmmm. Baka tama rin ang suspetsa ng ilang kaibigan sa ating ‘national security cluster’ na ‘infiltrated’ na rin ng CPP ang ang COMELEC? Kaya ba mistulang ito pa ngayon ang “abogado” ng KPL laban sa ‘Duterte Youth?”

At take note: Ipinagbawal din ng COMELEC noong eleksyon ang ‘red tagging’ na proteksyon ng ‘CPP fronts’ para itago ang totoong “mukha” nila sa publiko. Bakit ganun?

Ayon pa kay Maria Kara, aabot sa 20 pang kababaihan na katulad niya ay biktima rin ng mga manyak sa KPL.

Oh well. Kung ‘3-Wise Monkeys’ ang COMELEC at Kongreso sa isyung ito, mas mainam na si Philippine National Police chief PGen. Nick Torre at Department of Justice na lang ang umeksena?

Kilalang ‘Action Man’ si Chief PNP Torre kaya mabilis lang sa kanya na hubaran ang katotohanan sa mga sinabi ng biktima. At kasuhan ang dapat kasuhan, siyempre pa!

Abangan!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here