MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na itinaas mula 20% sa 50% ang student discount sa pamasahe ng LRT-1, LRT-2, at MRT-3.
Maaaring magpakita ng valid student ID o proof of enrollment para makuha ang diskwento, pati na ang mga postgraduate students.
Ayon kay DOTr Secretary Vince Dizon, saklaw ng diskwento ang single-journey ticket araw-araw, kabilang ang weekend at holidays, ngunit hindi pa ito pwedeng gamitin sa beep card. Pinaplano nang maisama ang beep card sa susunod na mga buwan.
Ipinakilala ang programa sa Antipolo Station ng LRT-2 kung saan 40% ng mga pasahero ay estudyante. Tinatayang makakatipid ang estudyanteng bumabiyahe ng limang araw kada linggo ng halos P170 kada linggo at P680 kada buwan.
Kumpirmado rin ni Dizon na sasagutin ng gobyerno ang nawawalang kita ng LRT-2 na nasa PHP600,000 kada araw para matulungan ang mga estudyante at kanilang pamilya nang direkta. RNT