Kanya-kanyang diskarte ang mga naglalakad at naka-motorsiklo sa isang maliit na butas sa pagitan ng mga barikada na may barbed wire matapos isara ng mga awtoridad ang Ayala Bridge sa Maynila noong protesta ng Iglesia ni Cristo (INC) noong Hulyo 3, 2026.Isinara ng mga awtoridad ang ilang kalsada at tulay sa paligid ng lugar ng rally bilang bahagi ng pinaigting na seguridad at mga hakbang sa pamamahala ng trapiko para sa protesta.Ang pagsasara ng mga kalsada, kabilang ang pagsasara ng Ayala Bridge, ay nagdulot ng mga pagkaantala sa mga commuter at motorista sa ilang bahagi ng Maynila. ERIC OCAPAN
MANILA, Philippines – Kinondena ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) nitong Huwebes, Setyembre 17 ang Malakanyang sa paghimok nito sa mga raliyista na panatilihin ang kapayapaan sa mga rally na inaasahan sa Setyembre 21 o ika-54 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law.
“Ang dapat na rendahan nila yung mga kurakot, yung mga abusado sa kapangyarihan,” sinabi ni Bayan Secretary-General Mong Palatino sa kilos protesta na ikinasa sa labas ng Camp Crame sa Quezon City.
“Hindi yung mamamayan na nagrereklamo sa matinding korapsyon, matinding problema ng kagutuman, mataas na presyo ng langis. Hindi ba yan kagalit-galit?” dagdag pa niya.
“Kaya walang karapatan ang Malacañang na magdikta at magsabi sa mamamayan kung paano gawin ang ating protesta.”
Nitong Miyerkules ay umapela kasi si Palace press officer Claire Castro sa mga raliyista na magsagawa ng mapayapang pagtitipon at sinabing nakahanda na ang Philippine National Police (PNP) para rito.
Ang PNP – National Capital Region Police Office (NCRPO) ay nagtalaga ng 15,000 pulis para sa inaasahang mga kilos-protesta.
Dahil dito ay kinondena rin ni Palatino ang pagtatalaga ng maraming mga pulis sa naturang petsa.
“Ito ay overkill deployment,” sinabi ni Palatino.
“Sa September 21, babalik tayo sa lansangan sa Maynila para maningil sa pamahalaan ni [President Ferdinand] Marcos Jr.,” dagdag pa niya.
“Siya ang mahiya dahil, one year after the flood control scam, hindi umaabot sa Malacañang ang corruption investigation. Hindi pinapanagot si Marcos at mga alipores niya.” RNT/JGC