Home ENTERTAINMENT Bea at Sarah, in-unfollow si Kyline sa IG!

Bea at Sarah, in-unfollow si Kyline sa IG!

Manila, Philippines – Puzzle para sa mga netizens ang dahilan sa likod ng pag-unfollow nina Bea Alonzo at Sarah Lahbati kay Kyline Alcantara sa Instagram.

Pero nananatiling pina-follow pa ni Kyline si Bea.

Kilalang malapit sa isa’t isa sina Kyline at Sarah.

In fact, they’ve had a couple of bonding moments.

Understandable naman ang closeness sa pagitan nina Bea at Kyline since they’re both Kapuso stars.

Pero bakit iniligwak nina Bea at Sarah si Kyline who was once close to them?

May kinalaman kaya ito sa mga life choices ni Kyline lalo na pagdating sa kanyang buhay-pag-ibig?

In a sense ba’y hindi boto ang mga “nagkampihan” sa karelasyon ni Kyline na si Kobe Paras?

May nag-i-speculate din na pakiramdam ba nina Bea at Sarah ay failure sila bilang tumatayong big sisters ni Kyline for being diisobedient?

Pero meron din namang dumepensa kay Kyline.

Kung personal choices daw nito ang dahilan, who gives Bea and Sarah the right para saklawan ang buhay ni Kyline?

Ayon sa mga pro-Kyline, the least that her close friends can do is to give her advice.

Beyond that ay ibang usapan na.

In fairness daw to kyline, may share din naman of unpleasant love experiences sina Bea at Sarah–pero nanghimasok daw ba si Kyline? Ronnie Carrasco III