Home ENTERTAINMENT Bea, mapapanood sa Netflix at HBO!

Bea, mapapanood sa Netflix at HBO!

Manila, Philippines- Tampok si Bea Alonzo sa isang special episode sa “Magpakailanman” ng GMA7 very soon.

Kamakailan ay nag-taping si Bea sa programa ni Mel Tiangco.

May plano na ilabas ang episode ni Bea for “Magpakailanman” sa nalalapit na Semana Santa o Holy Week.

Si Zig Dulay ang nag-direk ng episode ni Bea for “Magpakailanman.” Si Zig din ang direktor ng drama-crime-mystery-series ni Bea, ang “Widow’s War”.

Speaking of “Widow’s War,” ipapalabas na rin pala sa Netflix ang Kapuso hit drama-series na pinagbidahan ni Bea ngayong buwan. Kaya abang-abang na lang tayo sa Netflix simula ngayon.

Samantala, may mga intrigang kumakalat sa showbiz na hindi na raw ire-renew ng GMA7 ang kontrata ni Bea after ng “Widow’s War.”

A reliable source told us na kaya di pa nire-renew ang contract ni Bea sa GMA7 ay dahil di pa naman ito expired. Kaya bakit nga naman magkakaroon ng contract signing for renewal?

At ayon pa sa aming source, nakipag-meeting na raw ang manager ni Bea na si Shirley Kuan sa GMA7 para sa bagong teleserye ng aktres.

Concept daw muna ng bagong telesrye ni Bea ang gagawin. Then, yung mga artistang makakasama ni Bea.

Bongga sana kung with Marian Rivera naman na women emppwerment ang tema.

Bago ang teleserye, gagawin muna ni Bea ang movie niya under Direk Erik Matti na ipapalabas naman sa HBO.

Bongga ni Bea, ha. Napapanood na sa Netflix, may HBO movie pa. Julie Bonifacio