Home NATIONWIDE Palasyo: Hirit na wage hike nirerebyu ng RTWPB

Palasyo: Hirit na wage hike nirerebyu ng RTWPB

MANILA, Philippines- Sinabi ng Malacañang na ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang magdedesisyon pagdating sa wage hike.

”Actually, ang direktiba lamang po ng ating Pangulo ay sundin po kung ano iyong nasa Labor Code at nagbigay narin po siya ng kautusan na i-review ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang mga salary or wages ng mga—ng ating mga kababayan sa bawat rehiyon,” pahayag ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro sa isang press briefing nitong Miyerkules.

”At sa kasalukuyan po, nagkaroon na po ng pagre-review sa labing-anim na rehiyon at may mga rehiyon na rin po na nagtaas ng mga sweldo,” dagdag niya.

Sinabi rin ni Castro na tutukuyin ng Kongreso kung kinakailangang magpasa ng panukala ukol sa wage hikes.

Umapela ang Trade Union Congress of the Philippines kay Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. para sa agarang pagpasa sa P200 legislated nationwide wage hike. RNT/SA