Home ENTERTAINMENT Bea, may bago nang BF?

Bea, may bago nang BF?

Manila, Philippines – Idinaan muna ni Ogie Diaz sa blind item ang latest tsika na nasagap niya sa Showbiz Update.

Tungkol ‘yon sa isang aktres na nabalitaan niyang may bago nang nobyo.

Kasabay nito y nilinaw ni Ogie that contrary to earlier reports, hindi totoong nagkabalikan ang naturang aktres at ang nobyo nito.

Bantulot nga si Ogie na pangalanan ang aktres who he later identified as Bea Alonzo.

Obvuously, hindi pa nga raw nakakaraos ang kanilang programa sa cyber libel case na isinampa ni Bea laban sa kanila.

Sa pagpupumilit na rin ng kanyang mga co-hosts, sinabi nga ni Ogie na isang half-Pinoy at half-foreigner ang newfound love ni Bea.

Ni hindi nga raw nila nabalitaang niligawan ng guy ang aktres.

But nonetheless, masaya raw si Ogie at ang kanyang mga kasama sa lovelife ni Bea.

“Hindi naman siguro libelous ito, ‘no!” pabirong sabi ni Ogie.

Tungkol naman daw sa dati nitong nobyong si Dominic Roque’y naka-move on na raw ito.

Samantala, sa latest interview kay Bea ng 24 Oras ay nilinaw niyang hindi raw siya ang nakipagkalas kay Dominic.

Matatandaang Bea and Dom broke up last year, kung kailan asang-asa ang kanilang mga kaibigan at tagahanga na ikakasal sila supposedly this year.

But Bea would rather not elaborate on this.

Aniya, nais daw niyang bigyan ng respeto kung anuman ang namagitan sa kanila ni Dominic at maging ang dati ring boyfriend.

Sa ngayon, hinihintay ng Showbiz Update ang kumpirmasyon o pagtanggi ni Bea tungkol sa nasagap ni Ogie. Ronnie Carrasco III