Home ENTERTAINMENT Bea, spotted sa Singapore, bagsak ang mukha!

Bea, spotted sa Singapore, bagsak ang mukha!

Singapore – Habang sinusulat ito’y on vacation si Bea Alonzo na spotted sa Singapore.

Isang fan group ang nag-upload ng kanyang litrato sa isang mall doon.

Kasama ng Kapuso actress ang kanyang inang si Mary Anne.

Ito’y ilang araw makaraang pumutok ang balitang split na sila ng nobyong si Dominic Roque.

llang fans din ang nagbalita tungkol sa sighting kay Bea ng social media personality na si Xian Gaza.

Namataan umano ng mga ito si Bea sa isang resto doon pero palipat-lipat daw ng kainan, obviously to avoid getting attention.

Sa kanilang paglalarawan kay Bea, bagsak daw ang mukha nito.

Visible din daw ang mga eyebags nito.

“Kawawa naman…” ang nasabi na lang ng mga nakakita kay Bea.

Naispatan din daw siya sa mall kasama ang ina.

Understandable naman ang pagpapalamig ni Bea sa mainit pa ring isyu ng kanilang paghihiwalay ni Dominic. Ronnie Carrasco IiI

Previous articleCHR sa NTF-ELCAC: Review your mandate
Next articlePasok sa eskwelahan, trabaho sa Olongapo suspendido sa bomb threat