Home HOME BANNER STORY Pasok sa eskwelahan, trabaho sa Olongapo suspendido sa bomb threat

Pasok sa eskwelahan, trabaho sa Olongapo suspendido sa bomb threat

MANILA, Philippines – Sinuspinde ang pasok sa mga opisina ng pamahalaan, kabilang ang pasok sa lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan sa Olongapo City ngayong hapon ng Lunes, Pebrero 12 dahil sa bomb threat.

Ayon kay Mayor Rolen Paulino Jr., nakatanggap ng bomb threat sa pamamagitan ng email ang kanilang management information systems ng lokal na pamahalaan.

“But it circulated nationally and on social media,” ani Paulino.

Inanunsyo niya rin sa Facebook na nakatanggap din ng banta ang ilang opisina ng pamahalaan.

“It’s probably a hoax, and there’s no need to worry. But to be sure and be cautious, work in government offices and classes are suspended this afternoon. Private schools are now included to reassure everyone,” ani Paulino.

Sinusuri na ng pulisya ang mga opisina ng pamahalaan sa lungsod upang masiguro ang kaligtasan ng mga tao. RNT/JGC

Previous articleBea, spotted sa Singapore, bagsak ang mukha!
Next articleTaytay tinulungan ni Bong Go na magkaroon ng bagong Sports Complex