Home NATIONWIDE Taytay tinulungan ni Bong Go na magkaroon ng bagong Sports Complex

Taytay tinulungan ni Bong Go na magkaroon ng bagong Sports Complex

MANILA, Philippines – Adopted son ng CALABARZON, personal na nag-inspeksyon si Senator Christopher “Bong” Go ang bagong Sports Complex sa Taytay, Rizal noong Linggo, isang proyektong sinuportahan niya upang mapondohan bilang vice chairperson ng Senate committee on finance.

Ang sports complex na malapit nang makumpleto ay nagpapakita ng matatag na suporta ng senador para sa athletic programs and community well-being ng bansa.

“Tulong-tulong lang tayo… Kaya ‘pag nagsama-sama po ang governor, ang mayor, ang vice mayor, ang kapitan, wala pong imposible. Narito po ako para tumulong po sa mga kababayan natin sa Taytay — makatulong sa mga proyekto tulad nitong sports complex, makatulong sa mga mahihirap sa abot ng aking makakaya, at makapag-iwan ng ngiti lalo na ngayon na ipinagdiriwang ang inyong kapistahan,” ani Go na dumalo rin sa Hamaka Festival ng bayan.

Idiniin niya na dapat unahin ang kapakanan ng mga mahihirap at huwag isipin ang sarili, lalo ang politika.

Inaasahan na ang Taytay Sports Complex ay magagamit hindi lamang sa sports bagkus ay masisilbi ring hub para sa mga aktibidad sa komunidad, pasilidad para sa jogging, ehersisyo, at pagpapahinga. Bukas ito sa mga atleta at lahat na nais ng isang malusog na pamumuhay.

Binigyang-diin ni Go ang papel ng sports sa pagbuo ng bansa dahil itinataguyod nito ang disiplina, sportsmanship, at pakikipagkaibigan sa komunidad at pag-iwas sa iligal na droga.

Ganito rin ang naging sentimiyento ni Gov. Nina Ynares sa tagumpay ng sports complex at mga katulad na proyekto na sinuportahan ni Sen. Go. “Senator Bong Go, salamat po. Dahil kung wala naman po talaga ‘yung tulong n’yo, wala po lahat ng ito,” sabi ni Ynares.

Ang pagtatayo ng Taytay Sports Complex ay nagsimula sa panahon ng Duterte administration at inaasahang ganap na matatapos sa lalong madaling panahon.

Si Go ay matagal nang tagapagtaguyod ng grassroots sports development sa Pilipinas at sa katunayan ay siya ang nag-akda at nag-co-sponsor ng Republic Act No. 11470 na nagtatag ng National Academy of Sports (NAS) sa New Clark City, Tarlac, noong 2020 kung saan ang mga mag-aaral na atleta ay maaaring sabay na magsanay at magtuloy sa de-kalidad na edukasyon.

Patuloy ring isinusulong ni Go ang iba pang panukala para sa sports, tulad ng Senate Bill (SB) No. 2116na layong amyendahan ang RA No. 10699, kilala bilang “National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act” para mabigyan ng mas mahusay pagkilala at benepisyo ang para-athletes.

Nakatuon din siya sa pagsusulong ng grassroots sports development sa pamamagitan ng kanyang inihain na SB No. 423 na layong gawing institusyonal ang Philippine National Games. RNT