Home METRO Bebot dumalaw sa kulungan, timbog sa ‘bato’ na itinago sa pantalon

Bebot dumalaw sa kulungan, timbog sa ‘bato’ na itinago sa pantalon

Negros Occidental – Arestado ang isang 41-taong gulang na babae matapos mahulihan ng hinihinalang shabu na itinago sa loob ng kanyang pantalon habang bumibisita sa kanyang live-in partner na Person Deprived of Liberty (PDL) na may kasong droga sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) facility sa Barangay 2, Victorias City noong Abril 20.

Nahuli si alyas ‘Princess’ ng isang babaeng jail officer bandang alas-2 ng hapon at nasamsam ang iligal na droga na nagkakahalaga ng P3,400.

Si Princess ay nasa ilalim ng drug monitoring bilang isang street-level individual.

Sinampahan siya ng kasong paglabag sa Section 21 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

“Patuloy naming paiigtingin ang aming mga hakbang laban sa kontrabando,” ayon kay Jail Chief Supt. Simeon Dolojo Jr. ng BJMP-6. RNT