Home NATIONWIDE Bebot na bigtime tulak timbog sa P3.7-M tobats sa Laguna

Bebot na bigtime tulak timbog sa P3.7-M tobats sa Laguna

MANILA, Philippines – Naaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang babaeng high-value target at nasamsam mula sa kanya ang nasa PHP3.74 milyong halaga ng shabu sa Laguna.

Kinilala ang suspek bilang si alias Irene, 42, na nahuli sa isang buy-bust operation sa Purok 3, Bucal, Calamba City noong Marso 27, bandang alas-5 ng hapon.

Nasabat mula sa kanya ang walong pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na 550 gramo. Isinailalim na sa pagsusuri ng PDEA laboratory ang mga ebidensya.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa pasilidad ng PDEA at sasampahan ng kaso sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act. RNT