Home METRO Bebot na-scam ng P120K sa pekeng ‘airport escort’

Bebot na-scam ng P120K sa pekeng ‘airport escort’

MANILA, Philippines- Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang isang scam victim na nadaya na magbayad ng P120,000 para sa pekeng ‘airport escort’ para sa ilegal na pagtatrabaho nito sa ibang bansa.

Iniulat ni BI Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES) Chief Mary Jane Hizon na ang biktima na kinilala lamang sa pangalang alyas Amy, 27, ay naharang noong Enero 2 matapos tangkaing i-bypass ang inspeksyon ng immigration sa pagkukunwari nito na isang turistang patungo sa Bangkok.

Nabatid sa BI na pinigil si alyas Amy ng kanilang mga tauhan matapos nitong subukang makalusot sa mga departure counter. Sa pag-inspeksyon, hindi niya maipakita ang kanyang pasaporte at boarding pass, na sinasabing hawak ito ng hindi kilalang lalaki na nakilala niya sa isang restaurant malapit sa terminal.

Iniharap ng biktima ang larawan ng kanyang pasaporte at boarding pass na nakitaan ng pekeng immigration stamp.

Inamin ni alyas Amy na nakadiskubre siya ng isang post sa Facebook na nag-aadvertise ng mga serbisyo ng immigration escort at nagbayad ng P120,000 sa maraming online bank transfer. Ibinigay niya ang kanyang travel documents sa lalaki at inutusang maghintay ng isang umano’y escort.

“Shortly before her supposed boarding time, she was told to rush to the boarding gates. It was then that she was intercepted by BI personnel and discovered that the man she was communicating with had blocked her,” anang BI.

Ibinunyag ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na pinaghihinalaan ng Bureau si alyas Amy na nabiktima ng isang mail-order bride syndicate.

“Her admission that she was meeting a man she didn’t know in Bangkok raises serious red flags,” ani Viado.

“This case highlights the dangers of illegal schemes that prey on vulnerable individuals seeking better opportunities. We urge everyone to exercise caution and always follow proper immigration procedures to avoid falling victim to these predators,” dagdag pa ng opisyal.

Ang biktima ay inendorso sa inter-agency council against trafficking (IACAT) para sa tulong. JR Reyes