MANILA, Philippines- Nanawagan si dating Social Security System President at CEO Rolando Ledesma Macasaet sa Malacañang na ipagpaliban ang dagdag na 15% sa SSS contribution rates, na iiral ngayong Enero 2025.
“We urge Malacañang to request the SSS Board to temporarily suspend the implementation of any premium increases. The SSS reported an income of over P80 billion in 2023 and a record-breaking P100 billion in 2024,” pahayag ni Macasaet, kinatawan nh SSS-GSIS Pensyonado Partylist.
Iginiit ni Macasaet na ang pagsuspinde o unti-unting pagpapatupad sa Social Security Act of 2018 ay makapagpapagaan sa financial burden ng SSS members nang hindi gaanong naaapektuhan ang longevity ng pondo.
Sa ilalim ng Social Security Act of 2018, rekisitos sa SSS na dagdagan ang contribution rate kada dalawang taon. Simula Enero 2025, sasagutin ng employers ang 10% bahagi ng kontribusyon, habang 5% ng mga empleyado.
Binatikos naman ni House Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party-list Rep. Arlene Brosas ang panukala, at tinawag itong “cruel New Year’s gift.”
Sa kasalukuyan ay wala pang komento ang Malacañang ukol dito. RNT/SA