Home METRO Bebot na tulak kulong sa P35K shabu sa Navotas

Bebot na tulak kulong sa P35K shabu sa Navotas

MANILA, Philippines – SA kulungan ang bagsak ng isang bebot na sangkot umano sa pagtutulak ng ilegal na droga matapos bentahan ng shabu ang isang pulis sa Navotas City.

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang naarestong suspek na si alyas ‘Bodie’, 42 at residente ng lungsod.

Ayon kay Col. Cortes, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna niP/Capt. Genere Sanchez ang buy bust operation kontra sa suspek matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y pagbebenta niya ng droga.

Nagawang makipagtransaksyon ng mga ng SDEU sa suspek at nang tanggapin nito ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang inaresto ng mga operatiba dakong ala-1:48 ng madaling araw sa Kapalaran 3 St., Brgy. San Roque.

Ani Capt. Sanchez, nakumpiska nila sa suspek ang humigi’t kumulang 5.17 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P35,156.00 at buy bust money.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Rene Manahan