Home METRO Bebot nahulog sa Recto Underpass, sugatan!

Bebot nahulog sa Recto Underpass, sugatan!

MANILA, Philippines- Malala ang mga sugat na tinamo ng isang babae matapos mahulog sa Recto Underpass sa Manila nitong Linggo ng umaga, ayon sa ulat.

Sinabi ng mga saksi na nakarinig sila ng malakas na tunog mula sa ilalim ng Recto – Quezon Boulevard Underpass.

Dito na nila nakita nila ang isang babae, halos 20 taong gulang, nakasuot ng itim na damit, jogging pants at sandals, na nakabulagta sa southbound lane patungong Quiapo Church.

Nagtalaga ng rescue team upang asistihan ang babaeng nagtamo ng head injury na posible ring nabalian. Mayroon siyang malay subalit idinaing ang sakit habang maingat siyang inililipat sa ambulansya na nagdala sa kanya sa kalapit na ospital upang magamot.

Iniimbestigahan na ng Manila Police District ang insidente. RNT/SA

Previous articlePharma-medical device ecozones target ng PH ngayong 2024
Next article5 bayan sa Mindoro isinailalim sa state of calamity sa El NiƱo