Home METRO Bebot tinadtad ng saksak sa hotel sa Maynila

Bebot tinadtad ng saksak sa hotel sa Maynila

MANILA, Philippines – Tadtad ng saksak ang isang bebot nang maabutan sa loob ng isang silid ng kilalang hotel sa Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Noemi Lambo y Villacorta, 34 anyos.

Sa ulat ng Manila Police District -Police Station 11, alas 10 Sabado ng gabi nang magcheck-in ang biktima kasama ang suspek na si Carlo Oblimaga, 26, nakatira sa Baseco Port Area sa nasabing hotel.

Kalaunan, habang nagsasagawa ng foot patrol ang mga operatiba ng nasabing himpilan at pagsapit sa hotel napansin ang komosyon sa pagitan ng isang security guard at ng suspek.

Nalaman na nais umalis ng suspek sa hotel kaya pinipigilan ito ng sekyu at dinala sa lobby ng establisyimento.

Sa pag-uusisa, natuklasan na ang roommate ng suspek ay nagtamo ng maraming saksak sa katawan dahilan para siya ay arestuhin.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pananaksak ngunit ilang anggulo ang tinitignan tulad ng hindi nagkasundo sa presyo o maaring hindi pinagbigyan ng babae ang suspek kaya ito nagalit at pinagsasaksak ang biktima. Jocelyn Tabangcura-Domenden