Home OPINION NAPAPRANING ANG ACT

NAPAPRANING ANG ACT

NAKAKATUWA ang mga  patutsada nitong Alliance of Concerned Teachers  sa memorandum na inilabas ng Department of Education  na nag-uutos sa  local units nito na magsubmit  ng  listahan ng mga  teacher na miyembro ng ACT.

Agad nagpahayag ang organisasyong kaalyado ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF, na isa raw itong paglabag  sa karapatang magbuo ng isang asosayon at karapatang maghayag ng saloobin.

Tila napapapraning na ang ACT. Ang DepEd June 14, 2023  memorandum ay naglalayon lamang mabilang ang mga guro na kasapi nila para malaman ang dami ng mga nagnanais na masali sa Automatic Payroll Deduction System (APDS).

Ang sabi ng ACT “profiling” daw ito sa kanilang mga miyembro.  Siyempre, dagliang itinanggi ito ng DepEd, dahil ang intensyon ng ahensiya ay mapagsama-sama ang listahan ng mga guro na gustong mapabilang sa program ang APDS at maiayos ang sistema.

Eh, ‘di nga sumagi man lang sa isipan ng DeEd ang naisip nitong mga opisyal ng ACT na pinupuntirya lamang ang kanilang grupo dahil sa pagtatayo ng mga unyon ng mga guro. Di ba? Malaya kayong nakakapagtatag ng mga unyon sa halos lahat na ng rehiyon sa bansa?

Anong kapraningan ito?  Sa totoo lang wala pa sa pagka-bise- presidente si Inday Sarah at ‘di pa naitatalagang kalihim o secretary ng DepEd, ay kilala niya na, ang mga hilatsa niyo. Alam ni Vice President at DepEd Secretary Sarah na kayong mga member ng ACT ay may kaugnayan sa CPP-NPA-NDF.

Pinasasaringan nga minsan kayo, pero di kayo ginigipit. Dahil si VP, Sec. Sarah ay totoong tao at mahusay na pinuno.  Pinahahalagahan nito ang pagiging lingkod- bayan. ‘Di ba kayo rin ay lingkod bayan?  Bakit marami sa inyo ang ‘di makasunod sa simpleng pagsasaayos ng sistema? At bigla kayong napapraning kapag may kautusang napakadali namang sundin.

Sa mga ganyang pustura niyo, lalo kayong napaghahalata. Mayroon kayong nais itago kaya’t ayaw n’yong sundin ang simpleng kautusan na magpapaganda lamang ng sistema ng pasahod sa iyo.

Wala sa hulog ang mga patutsada at postura n’yo. Baka ganyan din ang inyong pinaggagawa at tinuturo sa ating mga kabataan? Ang laging sumalungat sa tama.

Assalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh!