Manila, Philippines – Hindi man siya nakaukit ng pangalan sa larangan ng hosting, pero nangangabog sa departmentong ito ang multi-slashie na si Bela Padilla.
We all know that Bela wears many hats.
Bukod sa pagiging aktres, isa rin siyang scriptwriter at film director.
At habang wala sina Vice Ganda at Anne Curtis, isa sa mga tumitimon ng It’s Showtime si Bela.
Agad siyang nag-gel kina Kim Chiu, Vhong Navarro at Jhong Hilario.
Marami tuloy ang umuurot kay Bela na maging regular host ng Showtime.
May sagot ang versatile actress while doing TikTok bago sumalang sa Showtime.
Aniya, truth be told ay inaalok nga siya na maging regular host na.
But “artistic conscience” got daw the better of her.
Hindi raw niya maaatim na madalas mag-absent kung kinakailangan niyang gawin ang kanyang other creative pursuits.
Madalas din kasing out of the country si Bela, most especially pag kallangan nilang magkita ng kanyang nobyo sa London.
Dyahi raw sa kanyang mga co-hosts kung bibigyan pa siya ng preferential treatment, eh, kebagu-bago pa lang niya. Ronnie Carrasco III