MANILA, Philippines- Hinikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga abogado na protektahan ang human dignity sa kinahaharap na pagtaas ng mga hamon mula sa digital age, kabilang na ang cybercrime, data privacy issues, at artificial intelligence (AI).
“The emergence of issues such as cybercrime, data privacy, and the ethical use of artificial intelligence presents not only technical dilemmas but moral ones as well,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa 20th National Convention of Lawyers of the Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa Cebu City.
“Therefore they demand our continued commitment to protect human dignity in an increasingly digital world,” dagdag niya.
Winika pa ng Pangulo na ang kamakailan lamang na adopsyon ng Code of Professional Responsibility and Accountability, kumakatawan sa mahalagang hakbang tungo sa pinakamataas na ethical standards ay magsisilbing gabay sa bawat miyembro ng legal community.
“The task before us now is to ensure that this Code becomes the very foundation of how our lawyers live and practice,” ayon kay Pangulong Marcos.
Sa kabilang dako, sinabi ng Punong Ehekutibo na ang climate crisis ay isang ‘urgent challenge’ na banta sa mga susunod na henerasyon.
Tinuran pa nito ang mahalagang papel ng legal profession sa paghubog at pagpapatupad ng environmental policies para pangalagaan ang planeta.
“By doing so, you safeguard the rights of today and preserve the dreams and dignity of those that will follow us,” pahayag ng Pangulo.
Samantala, sinabi ng Pangulo na ang palakasin ang legal profession ay kinakailangan kaysa sa simpleng tugunan ang krisis.
Ipinaliwanag nito ang pangangailangan na palakasin pa ang pundasyon ng larangan, kabilang na ang ‘education at continuous learning.’
Tinukoy naman ng Pangulo ang pangangailangan para sa law schools na pairalin ang pagbabago ng legal profession sa pamamagitan ng pag-update sa curricula, pagsasama ng emerging fields, at pagbalanse sa legal theory na may kasamang practical application.
Sinabi pa nito na ang Revised Model Curriculum for the Basic Law Program ay nakapagtatag na ng pundasyon sa pamamagitan ng pagsama sa Human Rights Law and International Law sa legal education.
“Our challenge is to ensure that these principles are not confined to the pages of textbooks or the halls of courtrooms, but are lived and breathed—always guided by the Constitution and the values it upholds,” giit niya. Kris Jose