MANILA, Philippines – Itinaas ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang benefit package para sa severe dengue mula P16,000 hanggang P47,000 epektibo noong Nobyembre 1, 2024.
Kasunod ito ng patuloy na pagtaas ng kaso ng natuwang sakit sa bansa.
Ang nasabing pagtaas ay bahagi ng patuloy na benefit rationalization na layong magbigay ng sapat na financial risk protection sa mga Filipino na nagdurusa sa sakit.
Nauna nang itinaas ng state helath insurer ang benefit package para sa dengue na mayroon o walang warning signs mula P10,000 hanggang P13,000.
Noong Oktubre 4, 2024, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 269,467 dengue cases sa buong bansa kung saan naabot ang alert level sa national capital Region dahil sa 24,232 na naitalang mga kaso.
Pinaalalahanan ng PhilHealth ang publiko na kukuha ng servbisyo na lampas sa pamantayan ng minimum standards ng pangangalaga sa non-ward accomodations, kabilang ang karagdagang serbisyo na walang kaugnayan sa dengue management sa accredited private health facilities ay sasailalim sa co-payment. Jocelyn Tabangcura-Domenden