MANILA, Philippines – Ipinroklama ng Commission on Elections (Comelec) si dating Ako Bicol representative Alfredo Garbin Jr., bilang mayor ng Legazpi City.
Ito ay matapos magpulong ang Specila City Board of canvassers (SCBOC) ng Legazpi upang ipatupad ang desisyon na nag-uutos na ipawalang-bisa ang proklamasyon ni Carmen Rosal sa 2022 national at local elections, ayon sa poll body.
Noong Mayo, diniskwalipika ng Comelec En Banc amg mayoral candidate ni Rosal para sa pagbibigay ng pera upang impluwensyahan, akitin at bilhin ang boto na isang pagalabg sa ilalim ng Section 68(a) ng Omnibus Election Code.
Ang kaso ay nag-ugat sa Facebook post tungkol sa dalawang-araw na Tricycle Driver’s Cash Assistance payout.
Sa nasabing post ay pinasalamatan si Rosal para sa aktibidad at binanggit bilang “Mayor Gie Rosal” kahi hindi siya ang incumbent mayor ng nasabing panahon.
Samantala, pinagtibay ng Korte Suprema ang diskwalipikasyon ni Rosal noong Oktubre.
Pinagtibay din ng Korte Suprema ang diskwalipikasyon ng kanyang mister na si Noel Rosal at Jose Alfonso Barizo sa 2022 NLE para sa paglabag sa Omnibus Election Code na may kaugnayan sa disbursement at paglabas ng pondo ng gobyerno sa panahon na ipinagbabawal bago ang regular election. Jocelyn Tabangcura-Domenden