Home NATIONWIDE BFAR nagbabala sa red tide sa Leyte

BFAR nagbabala sa red tide sa Leyte

1
0

MANILA, Philippines – Nag-isyu ng local red tide advisory ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa dagat na sakop ng Leyte, Leyte matapos magpositibo sa paralytic shellfish toxin ang mga shellfish sample sa lugar.

Sa abiso nitong Martes, Agosto 25, sinabi ng BFAR na nagpositibo sa paralytic shellfish toxin, partikular ang saxitoxin, ang mga nakolektang sample.

Sakop ng babala ang lahat ng uri ng shellfish at Acetes species o alamang, na hinango mula sa apektadong bahagi ng dagat.

Nagpaalala rin ang ahensya sa publiko na nananatiling nasa ilalim ng shellfish ban ang dalawa pang lugar sa Eastern Visayas dahil din sa pagpopositibo ng mga sample sa red tide toxin.

Ang mga lugar na ito ay ang Matarinao Bay sa Eastern Samar, sakop ang coastal waters ng General MacArthur, Quinapondan, Hernani at Salcedo, at coastal waters ng Biliran Island.

Hindi ligtas kainin ng tao ang lahat ng shellfish at alamang na makukuha mula sa mga nabanggit na lugar.

Nilinaw naman ng BFAR na ang isda, pusit, hipon, at alimango mula sa mga apektadong lugar ay maaaring kainin basta’t lutuin nang mabuti. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here