Home HOME BANNER STORY BFAR plane sa Panatag Shoal pinadalhan ng radio challenges ng Chinese Navy

BFAR plane sa Panatag Shoal pinadalhan ng radio challenges ng Chinese Navy

MANILA, Philippines- Nakatanggap ang sasakyang-panghimpapawid ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nagsasagawa ng maritime patrol sa Panatag Shoal sa pinagtatalunang ng West Philippine Sea ng 15 radio challenges mula sa Chinese Navy.

Ayon sa ulat nitong Huwebes, palapit pa lamang ang BFAR plane sa Panatag Shoal nang makatanggap ito ng serye ng tawag mula sa Chinese military. 

“Philippine aircraft, this is the Chinese Navy warship. Leave immediately and stay away from this area, over,” sabi sa radio transmission. 

Tugon naman ng piloto ng Philippine aircraft: “China, you are way beyond the 200 nautical mile EEZ of your country! Please review your chart.” 

Sa paggiit ng Beijing sa territorial claims nito sa Panatag Shoal, namataan ng BFAR plane ang Chinese militia vessels sa paligid ng lugar.

Apat na vessels ang namataan sa hilagang parte ng shoal. Mayroon pang isang vessel sa bungad ng isla sa silangan.

Samantala, tatlong China Coast Guard (CCG) at apat na Chinese maritime militia vessels ang naobserbahan malapit sa isla. 

Matatagpuan ang Scarborough Shoal 124 nautical miles sa Masinloc, Zambales, at itinuturing na 200-nautical-mile exclusive economic zone ng Pilipinas, base sa 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea. Tinatawag ang Scarborough Shoal na Bajo de Masinloc at Panatag Shoal sa Pilipinas.

Noong 2016, pinaboran ng international arbitration tribunal sa Hague ang Pilipinas sa desisyon nitong ang pag-angkin ng China sa South China Sea ay walang legal na basehan. Patuloy ang pagbalewala ng China sa desisyon. RNT/SA