Home NATIONWIDE BFP magsusuot na ng body cam sa building inspections vs korapsyon

BFP magsusuot na ng body cam sa building inspections vs korapsyon

234
0

MANILA, Philippines — Magsusuot na ng body camera ang mga fire inspector ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa kanilang building inspections bilang hakbang laban sa korapsyon, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong Martes.

Dumating ang hakbang matapos ma-relieve ang dalawang opisyal ng BFP dahil sa umano’y pagtanggap ng kickbacks mula sa overpriced na fire extinguisher, na umabot sa P30 milyon mula sa isang gusali.

Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, bumili ang DILG ng 14,000 body camera upang maitala ang mga pag-uusap ng fire inspectors habang nagsasagawa ng inspeksyon. Dapat agad nilang irekomenda ang approval ng fire occupancy permit kung walang nakitang kakulangan.

Dagdag pa ni Remulla, wala pang pinal na listahan ng mga BFP personnel na posibleng kasuhan sa Ombudsman.

“We have to use technology. Ito papasok sila, mas mayabang pa sila sa secretary ng DILG. Kung di mo ibigay yung gusto mo, sila ang kikita. Literally, holdup ang ginagawa nila. Panahon na tumigil ito,” ani Remulla. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here