Home NATIONWIDE BFP umaasa, kakulangan sa mga munisipalidad na wala pang fire truck mapupunan

BFP umaasa, kakulangan sa mga munisipalidad na wala pang fire truck mapupunan

144
0

MANILA, Philippines – UMAASA ang Bureau of Fire Protection (BFP) na ang isinusulong na modernization program ng gobyerno para magkaroon ng lakas at kapabilidad ang BFP na makasabay sa hamon ng panahon ay mabibigyang pag-asa ng kasalukuyang administration.

Ayon kay Bureau of Fire Protection (BFP) Fire chief Jesus Fernandez dahil sa modernization program nakasabay ang BFP para sa makabagong hamon ng panahon at mapunan ang mga munisipalidad na wala pang fire truck sa bansa.

Sinabi ni Fernandez na sa kasalukuyan meron 60 munisipalidad sa bansa ang wala pang fire truck sa kanilang lugar na kabilang sa nais tugunan sa modernization program ng BFP.

“Plano ng BFP na malagyan ng 60 fire truck ang mga munisipalidad na wala pang fire truck” ayon kay Fernandez.

Kaugnay nito tiniyak ni Fernandez na ang gobyerno ay patuloy na maga-allocate ng budget sa BFP para maisulong ang modernization program nito.

“Nais talaga ng BFP na malagyan ng mga fire truck ang mga munisipalidad na walang fire truck” dagdag pa ni Fernandez.

Nabatid pa sa bagong talagang BFP chief na bahagi ng modernization program ng gobyerno ang maga-allocate ng karagdagang pondo para sa modernization ng BFP. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here