Home METRO Mga batang estudyante pinag-ingat sa HFMD

Mga batang estudyante pinag-ingat sa HFMD

254
0

Lungsod ng Malolos, Bulacan – Pinaalalahanan ng kinauukulan ang publiko na panatilihin ang kalinisan sa mga paaralan para maiwasan ang hawahan ng sakit gaya ng Hand Foot and Mouth Disease (HFMD).

Sa Facebook post kamakailan ng Bulacan Provincial Health Office (PHO) – Public Health, nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa patuloy ng klase sa mga paaralan na panatilihin ang kalinisan sa katawan, paligid lalo na sa mga silid-aralan at lugar na namamalagi ang mga bata.

Nabatid na kahit pababa ang trend ng bilang ng mga kaso ng HFMD mula Mayo 18-31, 2025 (1,964 cases) papuntang Hunyo 1-14, 2025 (1,363) Hindi dapat maging kampante dahil mabilis itong makahawa kung Hindi mag-ingat.

Sinasabing ang isang batang may HFMD ay maaring makahawa ng higit sa dalawang bata at maaring dumami kapag nasa closed spaces gaya ng bahay at paaralan.

Kadalasang sintomas ng HFMD ay ang lagnat, singaw sa bibig, sakit sa lalamunan, mga butlig sa palad, talampakan at puwit.

Payo ng kinauukulan ang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon, malinis na tubig, alcohol-based sanitizer, pag-iwas sa paghawak sa mukha, Lalo na sa mataas, ilong at bibig, pagpapanatili ng kalinisan at pagdisinfect ng mga kagamitan. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here