Home NATIONWIDE Forensic experts ng NBI handa na sa kaso ng missing sabungeros

Forensic experts ng NBI handa na sa kaso ng missing sabungeros

324
0

MANILA, Philippines – Handa na ang forensic expert ng National Bureau of Investigation (NBI) para sa mga nawawalang sabungero mula sa mga sako na nasisid sa Taal Lake ng mga divers ng Philipine Coast Guard (PCG).

Sinabi ni NBI Director Jaime Santiago sa ambush interview ng media sa Department of Justice (DOJ) na naghihintay na lamang sila ng ‘go signal’ para makatulong sa isinasagawang imbestigasyon.

Ito ay para matukoy kung kaninong mga buto ang narekober sa Taal Lake.

Sa ngayon, wala pa aniya silang natatanggap na kautusan hinggil dito.

Ang testimonya naman sa panig ng negosyanteng si Atong Ang at aktres na si Gretchen Barretto at mga testigo ay kanila na ring tinitimbang pero wala pang tamang oras para sila ay ipatawag.

Sinabi rin ni Santiago na bukas din ang NBI sa mga lulutang na testigo na maaaring makapagbigay linaw sa krimen at sa paglutas sa kaso ng mga nawawalang sabungeros. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here