Home HOME BANNER STORY Big-time oil price hike, asahan sa susunod na linggo

Big-time oil price hike, asahan sa susunod na linggo

185
0

MANILA, Philippines – Inaasahang magkakaroon muli ng malaking taas-presyo sa langis sa susunod na linggo, sa gitna ng patuloy na krisis sa petrolyo dulot ng gulo sa Middle East.

Ayon sa source ng oil industry, tinatayang tataas ang presyo ng:

–Diesel: P14.00 hanggang P14.50 kada litro

–Gasolina: P7.00 hanggang P7.50 kada litro

Dahil dito, posibleng umabot sa P130 kada litro ang diesel at lumagpas sa P100 kada litro ang gasolina matapos ang sunod-sunod na pagtaas ngayong linggo.

Ikinakabit ang pagtaas sa pangamba ng kakulangan sa supply matapos masira ang energy infrastructures sa Middle East habang lumalala ang tensyon sa pagitan ng US-Israel at Iran.

Nauna nang inanunsyo ng Department of Energy ang taas-presyo para Marso 17–23:

–Diesel: P20.40 hanggang P23.90 kada litro

–Gasolina: P12.90 hanggang P16.60 kada litro

–Kerosene: P6.90 hanggang P8.90 kada litro

Batay sa datos ng DOE, ang kasalukuyang presyo sa NCR ay:

–Diesel: P91.35 hanggang P114.9 kada litro

–Gasolina: P86.4 hanggang P100.3 kada litro

–Kerosene: P91.9 hanggang P143.79 kada litro

Sa kabila nito, tiniyak ng DOE na sapat ang suplay ng langis sa bansa ngunit nagbabala laban sa hoarding.

“What is unpredictable is the hoarding part. Kung mag-hoard ang isa, maapektuhan ang iba, especially ang PUVs. We need to curtail hoarding and not cause more panic among our people,” ayon kay Energy Secretary Sharon Garin. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here