MANILA, Philippines- Asahan na ng mga motorista ang mas mataas na presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Batay sa oil trading sa nakalipas na apat na oras, sinabi ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Director III Rodela Romero na posibleng tumaas ang presyo kada litro ng gasolina, diesel, at kerosene.
Narito ang estimated adjustments:
Gasolina – P0.90 hanggang P1.20 kada litro
Diesel – P1.20 hanggang P1.40 kada litro
Kerosene – P1.10 hanggang P1.30 kada litro