Home NATIONWIDE Big-time oil price rollback nakaumang sa sunod na linggo

Big-time oil price rollback nakaumang sa sunod na linggo

MANILA, Philuippines- Inaasahang bababa ang presyo ng langis sa susunod na linggo, na nakikitang mahigit P1 kada litro para sa ilang produkto, batay sa paunang pagtataya ng oil companies.

Base sa kinalabasan ng three-day trading sa Mean of Platts Singapore (MOPS), ang inaasahang bawas-presyo sa diesel ay P1.5 hanggang P1.9 kada litro; habang tatapyasan ang presyo ng gasolina ng P0.80 hanggang P1.2 kada litro.

Bababa rin ang presyo ng kerosene ng P1.4 hanggang P1.8 kada litro, batay sa industry players.

Subalit, paalala ng  oil firms, maaari pang magbago ang final price decreases sa end-week trading sa Biyernes (Agosto 23). RNT/SA