Home METRO ‘Big-time’ tulak tiklo sa P4M shabu sa Pagadian

‘Big-time’ tulak tiklo sa P4M shabu sa Pagadian

1
0

ZAMBOANGA DEL SUR — Arestado ang isang hinihinalang big-time drug pusher matapos makumpiskahan ng mahigit P4 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Pagadian City.

Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Zamboanga Peninsula ang suspek sa alyas na “Omar,” 54-anyos at residente ng Barangay Poblacion, Kumalarang, Zamboanga del Sur.

Nahuli siya noong Hunyo 18 sa isang fast food outlet sa loob ng shopping mall sa Barangay San Pedro, Pagadian City sa isinagawang intelligence-driven operation.

Ayon sa PDEA, naibenta umano ng suspek sa poseur buyer ang isang plastic pack na naglalaman ng tinatayang 500 gramo ng hinihinalang shabu at isa pang pakete na may 100 gramo ng parehong ilegal na droga. Tinatayang nasa 600 gramo ang kabuuang timbang ng nakumpiskang shabu na may halagang P4.08 milyon.

Nasamsam din sa operasyon ang mga cellphone, bag na ginamit sa transaksyon, buy-bust money, at iba pang ebidensya.

Nakapiit na ang suspek at sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Isinagawa ang operasyon ng PDEA-Zamboanga del Sur Provincial Office sa pakikipag-ugnayan sa pulisya, Philippine Coast Guard, at mga operatiba ng militar.

Samantala, nauna ring naaresto ng PDEA-Zamboanga City Office noong Martes ang isa pang hinihinalang tulak na nakilala sa alyas na “Jain,” 42, sa Barangay Sta. Catalina, Zamboanga City, kung saan nasamsam ang tinatayang P340,000 halaga ng hinihinalang shabu. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here