Home NATIONWIDE Biglaang pagdami ng botante naobserbahan sa ilang lugar – Comelec

Biglaang pagdami ng botante naobserbahan sa ilang lugar – Comelec

140
0
HALOS hindi mahulugang karayom ang 2nd Floor ng Robinsons Otis nang dagsain ng mga nais humabol para makapagparehistro sa huling araw ng voters registration ng Comelec. Crismon Heramis

MANILA, Philippines- Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) na kanila nang pinaiimbestigahan ang ulat na may mga lugar na may mataas na bilang ng mga botante.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na kabilang sa mga lugar na may biglaang pagdami ng bilang ng mga botante ay sa Makati, Nueva Ecija, Cagayan de Oro, at Batangas.

Katulad aniya sa isang lugar na nagkaroon ng dagdag na 18,000 bagong botante mula Pebrero nang magsimula ang voter registration hanggang Hulyo.

Ayon kay Garcia, may mga lugar na walang dahilan pero biglang tumaas ang populasyon ng mga botante mula 20 hanggang 40%.

Paliwanag ni Garcia, karaniwang ginagamit lang aniya ng mga ito sa requirements ay nagpapakita ng barangay certification sa pagpaparehistro.

Nangangamba naman ang komisyon na masaring nagagamit na sa pamumulitika ang mga botante.

Babala ni Garci, kung mapatutunayan ang iregularidad pwede nilang ipawalang-bisa ang listahan ng mga botante at magsagawa ng panibagong special voter registration. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here