Home ENTERTAINMENT Liam Payne ng 1D, tepok sa Argentina!

Liam Payne ng 1D, tepok sa Argentina!

147
0

Buenos Aires, Argentina – Nagluluksa ang buong mundo ngayon sa pagkawalan ng 31-year-old na si Liam Payne matapos itong mahulog mula sa hotel balcony sa Buenos Aires, Argentina.

Naganap ang trahedya sa Casa Sur Hotel na nasa Palermo, neighborhood sa capital ng Argentina, sey ng Buenos Aires police.

Nagtamo ang former One Direction member ng “extremely serious injuries” at on the spot ang kanyang pagkasawi na kinumpirma ng medics.

Ayon sa statement sa Associated Press ng Buenos Aires Security Ministry communications director na si Pablo Policicchio ay tumalon daw mula sa balcony ng kwarto niya si Liam. Sumugod sa hotel ang mga pulis para rumesponde sa emergency call mga 5 p.m. local time at winarningan sila tungkol sa isang agresibong lalaking posibleng nakadroga o nakainom.

Isang voice note sa Facebook Messenger ng tagalinis ng hotel ang umiikot ngayon mula sa X account na @CollectibleCity sa X.

Sinabi rito ng babae na diumano’y nawalan ng malay si Liam kaya pinagtulungan nilang ibalik sa kanyang kwarto subalit nagising ito, nagwala, at tumalon mula sa balcony.

Sa same account ay nakapost din ang umano’y photos ng kwarto ni Liam kung saan makikitang nakakalat ang mga aluminum foil, balat ng isang sabon, lighter, etc.

Basag na basag din ang TV screen.

Noong July 2023 ay naging vocal si Liam tungkol sa pakikipaglaban niya sa alcoholism sa kanyang YouTube channel.

6 months na siyang hindi umiinom sa mga panahong ito matapos sumailalim sa isang treatment.

Ang well-loved singer ay nakapagpost pa one hour ago sa kanyang Snapchat bago ito pumanaw.

Samantala, binabash ngayon ang TMZ dahil nagpost sila ng photo ng bangkay ni Liam kung saan dinescribe pa nila ang tattoos nito sa katawan.

Sa kasalukuyan ay napakarami nang fans sa labas ng hotel na karamihan ay mga babae.

Sila ay nag-iiyakan at nagfifilm gamit ang kanilang cellphones.

Marami na ang nagtirik ng kandila at nag-iwan ng mga bulaklak sa hotel at patuloy pang humahaba ang pila.

Paalam sa iyo Liam at sana ang makakabasa nito na may pinagdaraanan sa buhay ay wag agad sumuko dahil marami pang magagandang bagay na pwedeng ma-enjoy. Trixie Dauz

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here