Home METRO Bigtime durugista nasakote sa Taguig buy-bust

Bigtime durugista nasakote sa Taguig buy-bust

NASAKOTE ang isang high value drug personality sa intelligence-driven operation ng Taguig City Police Station sa buy-bust operation sa Barangay Maharlika Village, Taguig City nitong March 23, 2025, bandang 2:20 ng madaling araw.

Kinilala ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng TCPS ang nahuling suspek na si alias “Rohanie,” walang trabahong 52 anyos na babae na huling nakatala ang address ay Block 29, Lot 180, Kabuntalan Street, Bgy. Maharlika Village, Taguig City.

Pinangunahan ni PCOL Joey T. Goforth, Chief of Police of Taguig CPS, ang buy-bust operation ay nagresulta sa pagkakakumpiska ng pitong heat-sealed transparent plastic sachets na may “shabu,” na tinatayang tumitimbang ng 81.3 gramo na may estimated Standard Drug Price (SDP) value na P552,840.

Kasamang nakumpiska ang five-hundred-peso bill na buy-bust money, 4 na piraso ng P1,000 na boodle money, at floral pouch.

Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa Section 5 at 11, ng Article II ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) saTaguig City Prosecutor’s Office habang ang mga ebidensya ay dinala sa SPD Forensic Unit para sa laboratory examination. Dave Medina