Home NATIONWIDE Bigtime sirit sa alokasyon ng pondo sa LGUs, ibibida ni Marcos sa...

Bigtime sirit sa alokasyon ng pondo sa LGUs, ibibida ni Marcos sa SONA

2
0

MANILA, Philippines – Itatampok ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 27 ang malaking pagtaas ng National Tax Allocation (NTA) ng mga local government unit (LGU), ayon kay Executive Secretary Ralph Recto.

Sinabi ni Recto na tataas ng P129.32 bilyon ang bahagi ng mga LGU mula sa national tax collections sa susunod na taon, mula P1.19 trilyon tungo sa P1.32 trilyon.

“Share of local governments from national tax collections will jump by P129.32 billion next year, to P1.32 trillion, and the non-partisan, formula-based formula that it will be disbursed will be highlighted in next month’s SONA by President Ferdinand Marcos Jr.,” ani Recto.

Ayon sa kalihim, nakikita ng Pangulo ang pondo bilang karapatan ng mamamayan na dapat makarating mula sa malalaking lungsod hanggang sa pinakamalayong barangay.

Base ang P1.32 trilyong NTA para sa 2027 sa koleksyon ng internal revenue taxes noong 2024, alinsunod sa umiiral na batas.

Sa ilalim ng allocation formula, tinatayang P303.56 bilyon ang mapupunta sa 83 lalawigan, P303.56 bilyon sa 149 lungsod, P448.84 bilyon sa 1,491 bayan, at P263.97 bilyon sa 41,912 barangay.

Ani Recto, awtomatikong matatanggap ng mga LGU ang kanilang bahagi dahil ang sistema ay “non-partisan, formula-based” at hindi naaapektuhan ng anumang political intervention.

“That indexation is set in stone, beyond alteration. As such, they are in the nature of automatic appropriations,” dagdag niya.

Ayon pa kay Recto, magmumula ang malaking bahagi ng pondo sa Bureau of Internal Revenue (P990.68 bilyon), Bureau of Customs (P329.09 bilyon), at iba pang koleksyon na sertipikado ng Bureau of the Treasury.

Para sa 2026, ang Davao City ang nakatanggap ng pinakamalaking alokasyon na P10.1 bilyon. Sa Metro Manila, nanguna ang Quezon City na may P9.82 bilyon, sinundan ng Manila (P6.09 bilyon), Caloocan City (P5.5 bilyon), Taguig City (P4.40 bilyon), at Pasig City (P3.05 bilyon).

“So next year, may increase na naman hindi lang sila, pero lahat ng LGU,” ani Recto.

Bukod sa NTA, itinaas din ng administrasyong Marcos ang Local Government Support Fund (LGSF) sa record-high na P57.87 bilyon para sa 2026 upang higit na mapalakas ang pakikipagtulungan ng pambansang pamahalaan at mga LGU sa pagpapatupad ng mga proyektong pangkaunlaran.

“The conventional and traditional thinking is that the NTA for LGUs is enough. But the President said we should tap the expertise and resources of LGUs in implementing national projects and programs,” ani Recto.

“In many meetings, he said that treating national government projects as separate from local government projects is a false dichotomy. Kaya may pivot sa LGU, na gawing katuwang sila sa mga pagpapatupad ng mga proyekto,” dagdag pa niya. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here