Home METRO Bigtime tulak binitbit sa P8.1M droga

Bigtime tulak binitbit sa P8.1M droga

112
0

CEBU CITY – Arestado ang isang high-value drug suspect sa isinagawang operasyon sa bayan ng Liloan, hilaga ng Cebu nitong Huwebes, at nakuhaan ng humigit-kumulang P8.1 milyong halaga ng shabu.

Sa ulat nitong Biyernes, sinabi ni Brig. Gen. Anthony Aberin, hepe ng Police Regional Office 7, nasamsam ng pinagsamang elemento ng provincial at Liloan police ang 1.2 kilo ng shabu mula sa 21-anyos na lalaking suspek.

Pinuri ni Aberin ang operasyon na aniya ay resulta ng ilang linggo ng intelligence work.

Dinala at pansamantalang ikinulong ang suspek sa custodial facility ng Liloan police habang inihahanda ang mga dokumento para sa kaukulang pagsasampa ng kasong droga. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here