Home METRO Bigtime tulak dinamba sa P.7M tobats

Bigtime tulak dinamba sa P.7M tobats

MANILA, Philippines – Arestado sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Las Piñas City police ang isang high-value individual (HVI) na nakumpiskahan ng P727,600 halaga ng shabu Sabado ng hapon, Marso 8.

Kinilala ni Las Piñas City police chief P/Col. Sandro Jay Tafalla ang inarestong suspect na si alyas Tol, 42, isang HVI, at residente ng Barangay Almanza Dos, Las Piñas City.

Sinabi ni Tafalla na nadakip ang suspect sa isinagawang buy-bust operation bandang alas 3:40 ng hapon sa Barangay Almanza Dos, Las Piñas City.

Ayon kay Tafalla, nakumpiska sa posesyon ng suspect ang apat na heat-sealed transparent plastic sachets at isang knot-tied plastic sachet na naglalaman ng may kabuuang 107 grmao ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P727,600; kulay itim na pouch at tatlong tig-P100 buy-bust money na ginamit sa operasyon.

Ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Southern Police District (SPD) Forensic Unit upang sumailalim sa chemical analysis.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspedt na kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Las Piñas City police.

Samantala, pinuri naman ni SPD director PBGen Manuel J. Abrugena ang Las Piñas City police bunsod ng pagkakadakip ng suspect at sinabing “This operation reflects our strong commitment to dismantling the illegal drug trade and ensuring high-value targets are brought to justice. We remain dedicated to protecting communities and strengthening public safety.” (James I. Catapusan)