Home METRO Bigtime tulak sa Batangas nabisto sa P3.4M bato

Bigtime tulak sa Batangas nabisto sa P3.4M bato

MANILA, Philippines – Naaresto ng mga operatiba laban sa iligal na droga ang isang hinihinalang bigtime drug trafficker sa buy-bust operation sa Cuenca, Batangas noong Biyernes, Marso 14.

Kinilala ang suspek bilang si “Tatay,” 57, na nahuli matapos umano niyang ibenta ang P300,000 halaga ng shabu sa isang undercover na pulis sa Barangay 7 dakong 3:10 p.m.

Ayon sa Police Region 4A (PRO-4A), narekober mula sa kanya ang limang malalaking sachet ng shabu na tumitimbang ng 500 gramo at may halagang P3.4 milyon. RNT